The Gospel, Tagalog, p. 25

Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 25

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

2. Huwag mong sikaping magkaroon ng kasiguraduhan ng iyong relasyon kay Kristo o lumago sa katotohanang ispiritwal sa pamamagitan ng “kakaibang nararamdaman” o “bumubulong” sa loob ng iyong isipan. Anuman ang “nararamdaman” natin sa ating puso ay hindi mapagkakatiwalaang gabay sa katotohanang ispiritwal na hindi katulad nang katotohanang may kinalaman sa matematika at heograpiya. Magbibiyahe ka ba ng daan-daang kilometro sa mga daan sa bundok na mahamog ng walang giya at naniniwala lamang sa iyong “pakiramdam?” Siyempre hindi! Subalit sa ganitong paraan, maraming tao ang may kamangmangang sinusubukang ipamuhay ang kanilang buhay Kristiyano!

3. Upang tayo ay lumago sa ispiritwal na katotohanan, ang Diyos ay nagbigay sa atin ng pinagmumulan ng katotohanan na siyang tiyak at walang  pagbabago. Ito ay tinatawag na Bibliya. Subukan mong basahin ang iyong Bibliya araw-araw.  Simulan mo sa pagbabasa ng Aklat ng Mga Taga-Galacia. Ito ay pagtatanggol ni Apostol Pablo sa ebanghelyo at sa doktrina ng biyaya. Magbasa ng isang kabanata bawat araw hanggang mabasa mo ang buong aklat (anim na kabanata) ng limang beses. Ito ay magtatagal ng isang buwan.  Sa susunod na buwan, basahin ang buong aklat minsan isang araw.  Ito ang magpapatibay sa iyo sa ilan sa mga pinaka-saligan at mga mahalagang doktrina ng pananampalatayang Kristiyano na nagbibigay ng uri ng pundasyon na kinakailangan para sa tamang paglagong Kristiyano.

Gospel_Tagalog_p_25_Bible_Only

Kaya nga ang pananam-palataya ay dumarating sa pamamagitan ng pakikinig, at ang pakikinig sa pamamagitan ng salita ng Diyos.    Mga Taga-Roma 10:17

4. Sa oras na ikaw ay maging matibay na sa iyong pagkaunawa sa ebanghelyo, humanap ka ng tamang simbahan. Para magawa mo ito, tanungin mo ang pastor kung paano pupunta sa langit ang isang tao. Kung sasabihin niya na ito ay sa pamamagitan ng maayos na pamumuhay, pagsunod sa Sampung Utos, bawtismo, kumpisal, pag-anib sa isang simbahan o iba pang maling sagot – magalang kang tumalikod at humanap ng ibang simbahan. Kung ang pastor ay hindi man lamang alam ang ebanghelyo, ang pinakasaligang paniniwala sa pananampalatayang Kristiyano, sa gayon ay hindi man lamang nila alam ang pangunahing bagay tungkol sa Kristiyanismo! Bakit mo gugustuhing pumunta sa isang simbahan na ang pastor ay hindi man lamang alam kung papaano pupunta sa langit? Sa halip, humanap ka ng mabuting simbahan.

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

1   2     3     4     5     6     7     8     9     10     11     12     13     14     15     16     17     18     19     20     21     22     23     24     25     26     27     28