The Gospel, Tagalog, p. 24
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 24
⇐ ⇒
MAGING MATIBAY SA IYONG PANANAMPALATAYA
Sa darating na mga araw si Satanas ay magsisimulang sumalakay para subukang pahinain ang iyong pananampalataya kay Kristo. (1 Pedro 5:8; Mga Taga-Efeso 6:16; Mateo 13:3-23).
Ang ilan sa kanyang pangunahing mga layunin ay ang:
1. Magtanim ng pag-aalinlangan at kawalang pag-asa upang nakawin sa iyo ang kagalakan at kasiguraduhan ng iyong buhay na walang-hanggan.
2. Iligaw ka upang mahadlangan ang paglago mo sa kaalaman ng katotohanan, at
3. Ilayo ka sa ginagawa mong pagbabahagi ng iyong pananampalataya kay Kristo sa mga tao.
Narito ang ilang paraan kung paano ka magiging matatag laban sa
kanyang pagsalakay.
1. Dahil ang ebanghelyo ay ang batong panulok ng pananampalatayang Kristiyano, si Satanas ay kaagad magsisimula ng kanyang pagsalakay upang subukan kang lituhin patungkol sa katotohanan ng ebanghelyo. Para matagalan ang pagsalakay na iyong haharapin, kailangan mong maging matibay sa katotohanan ng ebanghelyo. Para magawa ito, magpasiya ka ngayon na babasahin mo ang munting aklat na ito minsan isang araw sa loob ng isang buwan. Huwag kang titigil pagkatapos ng sampu o labinglimang araw kahit maisaulo mo na ito!
At higit sa lahat, huwag mong hayaang pahinain ni Satanas ang iyong loob sa pamamagitan ng pagsabi sa iyo na “wala kang panahon,” o kaya naman ay mayroon kang “mas mahalagang bagay na gagawin.” Ito ay pangunahing tanda ng kasinungalingan ni Satanas. Huwag mo itong paniniwalaan. (Mateo 13:1-9, 18-23, 8:21-22, Lukas 10:38-42, 12:16-31, 14:16-20; Mga Taga-Efeso 5:16).
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28