The Gospel, Tagalog, p. 16

Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 16

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

PAGSISISI:

Ang pagsisisi malamang ang salita na pinakamaraming mali ang pagkakaunawa.

ANO ANG PAGSISISI NA HINDI MAKARAGLILGTAS:

1.    Ang pagsisising nakapagliligtas ay hindi tungkol sa paghindi ng paumanhin sa iyong kasalanan.

2.    Ang pagsisising nakapagliligtas ay hindi tungkol sa pagtalikod sa kasalanan o pagbabagong buhay.

3.    Ang pagsisising nakapagliligtas ay hindi tungkol sa pagnanais na ibaling ang iyong buhay sa Diyos upang sa gayon ay gabayan ka Niya sa tamang landas.

Ang pagsisising nakapagliligtas sa katunayan ay walang magagawa upang panghinayangan ang iyong mga kasalanan o magpasiya na talikuran ang mga ito. Nais ng Diyos na ilagtas ka, kung ano man ang kalagayan mo. Sabi ng Bibliya:

Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.    Mga Taga-Roma 5:8

ANO ANG PAGSISISI NA MAKAPAGLILIGTAS:   Ang pagsisisi na makapagliligtas ay ang paghinto mo sa pagtitiwala sa relihiyon, mga ritual, o pagsunod sa utos ng Diyos upang magtamo ng buhay na walang hanggang.

Ang salitang “pagsisisi” ay nang galing sa salitang Griego na ang kahulugan ay “pagbabago ng isipan.” Sa kanya na naniniwala na ang buhay na walang hanggang ay matatamo sa pamamagitan ng mabuting gawa ay inutusan sa Kasulatan na magbago ng isipan o magsisi Sila ay sinabihan na ihinto ang pagtitiwala sa kanilang mga gawa at lumapit sa Diyos na ang tanging batayan ay ang biyaya sa pamamagitan ng pamanampalataya.

Sa Mateo 3:7-9, ang mga reliyosong tao ay naniniwala na sila ay pupunta sa langit sa kadahilanang sila ay nagmula sa lipi ni Abraham, ama ng mga Judio. Ang Diyos mismo ang pumili ng lahi ng mga Judio at nagtatag ng relihiyon nito. Ang mga taong ito ay naniniwala dahil sila ay nasa tamang relihiyon, sapat na ito upang makapunta sila sa langit. Sinabi ni Juan Bautista sa kanila na kailangan silang magsisi. Ibig sabihin, na ihinto na nila ang pagtitiwala sa kanilang relihiyon upang pumunta sa langit.

Sa Lukas 13:1-5 ay nagkukuwento ng isang tore sa Jerusalem na gumuho na ikinamatay ng 18 katao. Ang Hudyo ay naghahanap nang kasagutan sa kanyang kaisipan sa nangyaring sakuna.  Napagtanto nila na Diyos lamang ang nakakaalam ng kaisipan at gawi ng tao. Marahil kanilang inisip nakakaalam katao sa tore sa Siloam na nasawi ay ang pinakamasamang tao sa Jerusalem.

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

1   2     3     4     5     6     7     8     9     10     11     12     13     14     15     16     17     18     19     20     21     22     23     24     25     26     27     28