The Gospel, Tagalog, p. 13
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 13
⇐ ⇒
PANANAMPALATAYA: ANG TUGON NG
TAO KAY KRISTO
Ginawa ni Hesus ang lahat ng gawain na kinakailangan para maligtas ang tao sa kanyang mga kasalanan. Gayon pa man, bago natin maranasan ang mga pakinabang na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa krus. Nais ng Diyos na paniwalaan (pagtiwalaan) natin si Hesus, at kung ano ang Kanyang ginawa sa pamamagitan nang Kanyang kamatayan.
Alam natin na ang isang tao ay hindi pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng gawa ng kautusan kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus. Tayo rin ay sumampalataya kay Kristo Hesus upang tayo ay mapaging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. Kaya nga, walang sinumang mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. Mga Taga-Galacia 2:16
Sapagka’t gayon inibig ng Diyos ang sanlibutan, na ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na isinilang na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi dapat mapahamak, kundi magkaroon ng walang-hanggang buhay. Juan 3:16
(Sa katunayan, mayroong mahigit 160 bersikulo sa Bagong Tipan ang nagsasabi na ang tanging kondisyon para makamit ang buhay na walang hanggan ay ang pananampalataya kay Hesu-Kristo. Ang ilan sa kanila ay Juan 1:7, 1:12, 3:18, 5:24, 6:39, atbp.)
Ang pananampalataya (pagtitiwala) ay ang kamay kung paano natin aabutin at tatanggapin ang buhay na walang hanggan na ibinibigay nang walang bayad sapamamagitan ni Hesu-Kristo.
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28