The Gospel, Tagalog, p. 11

Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 11

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

IKATLONG HAKBANG: KASIYAHAN (ANG PAMAYAPA)

ANG KAMATAYAN NI KRISTO ANG NAGBAYAD NG BUO SA LAHAT NG ATING MGA KASALANAN, SA GAYON AY NAGBIGAY NG KASIYAHAN SA GALIT AT KATARUNGAN NG DIYOS.

Dahil si Hesus ay namatay na kapalit natin para sa ating mga kasalanan, ang katarungan ng Diyos ay napayapa. Si Hesus ang nagbayad para sa lahat ng kasalanan ng tao, kung kaya’t ang sinuman na pipiliing tanggapin ang kabayaran na ito ay hindi na kailan man makakaranas ng walang hanggang poot ng Diyos na nararapat ibigay sa lahat ng kasalanan ng tao.

Gayon ma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong  [Diyos Ama] gagawin ang kaniyang  [Hesus] kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan…Siya’y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan.      Isaias 53:10-11

Nang matanggap na nga ni Hesus ang maasim na alak, sinabi niya: “Naganap na.” Itinungo niya ang kaniyang ulo at ibinigay niya ang kaniyang espiritu.       Juan 19:30

Ang mga salitang “Naganap na” sa katunayan ay isang kasabihang ginagamit sa Roma noong panahon ni Kristo kapag ang utang ay nabayaran ng buo (Kittel, vol. VIII, pp. 57-60).  Nang isigaw ni Hesus ang mga salitang ito bago Siya mamatay, Siya ay nagpapahayag na Siya ay nakagawa na ng ganap, lubos, at buong kabayaran sa kasalanan.

(Basahin din Mga Taga-Colosas 2:13-14).

Ang Listahan ng Lahat ng Kasalanan

BINAYARAN NG BUO

Gospel_Tagalog_p_11_Scroll

DAHIL DITO, GINIBA NI HESUS ANG HARANG NA GAWA NG KASALANAN SAPAGITAN NG DIYOS AT TAO SA PAMAMAGITAN NG PAGBABAYAD PARA SA ATING MGA KASALANAN SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KAMATAYAN SA KRUS.

Paanong ang kamatayan ni Hesus ay lubos na mahalaga na pwedeng magbayad hindi lamang ng lahat ng iyong mga kasalanan, kundi ng lahat ng kasalanan ng lahat ng tao sa lahat ng panahon?  Ito ay dahil…

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

1   2     3     4     5     6     7     8     9     10     11     12     13     14     15     16     17     18     19     20     21     22     23     24     25     26     27     28