The Gospel, Tagalog, p. 26

Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 26

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

PASALAMATAN ANG DIYOS ARAW-ARAW

Ayon sa Bibliya, maraming kahanga-hangang bagay ang naganap sa iyo nang oras na naunawaan mo ang ebanghelyo at nagtiwala ka kay Kristo lamang bilang iyong Tagapagligtas.

♦     Tinanggap mo ang pagpapawalang sala sa lahat ng iyong mga kasalana, nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. (Mga Taga-Roma 5:1)
♦     Tinanggap mo ang buhay na walang hanggan bilang walang bayad na regalo. (Juan 5:24, 10:28)
♦     May kasiguraduhan ka ng pagtungo sa langit. (Juan 14:1-3)
♦     Ikaw ay naging anak ng Diyos. (Juan 1:12)
♦     Nagkaroon ka ng kaibigan na nauunawaan ang iyong pinagdaraanan, at nariyan upang tulungan ka sa oras ng pangangailangan. (Hebreo 2:18, 4:15-16; Awit 68:5)

Sa Lukas 17:11-19, nagpagaling si Hesus ng sampung may ketong, at siyam sa kanila ay umalis ng masaya na hindi man lamang nagpasalamat sa Kanya! Upang hindi mo tularan ang halimbawa ng siyam na may ketong na hindi marunong magpasalamat, maaari mong ipakita ang iyong mga pasasalamat sa Diyos sa kung ano ang mga ginawa Niya para sa iyo sa pamamagitan ng pamumuhay sa kaugaliang nakalulugod sa Kanya, sinusunod ang Kanyang mga utos at lumalakad ayon sa Kanyang Salita. (Lukas 7:40-43; 1 Juan 4:19; Juan 14:21).

IBAHAGI MO ANG EBANGHELYO

Isipin mo na isang araw ikaw ay naglalakad sa tabi ng daan, at ang piano na itinataas sa ikasampung palapag ng isang paupahang gusali ay natanggal ang pagkakatali at ito ay pabagsak sa iyo ng hindi mo nalalaman.  Pagdaka ay may isang tao na hindi mo kakilala ang biglang tumakbo palapit sa iyo at itinulak ka para mailigtas, para lamang siya ang mabagsakan ng nahuhulog na piano. Habang malapit na siyang mamatay, nanginginig ang kanyang kamay na kinuha ang isang liham sa kanyang bulsa at sinabi sa iyo na kuhanin mo at ihatid mo para sa kanya.  Gagawin mo ba ito?  Siyempre, gagawin mo!

Si Hesus, na namatay para iligtas ka, ay nag-iwan ng kaparehong liham sa iyo. Ang liham na iyon ay tinatawag na Ebanghelyo.  At sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan, ‘at ipangaral ang ebanghelyo sa bawa’t nilalang.’”  Marcos 16:15. (Basahin din ang Mateo 28:18-20, Mga Gawa 1:8, Mga Taga-Roma 10:14-15).  Malugod mo bang tatanggapin ang liham na iniwan sa iyo ni Hesus at sisikaping gawin ang Kanyang pakiusap?

Kung payag ka, tanungin mo lamang ang isang kaibigan o kakilala:
“May nagturo na ba sa iyo mula sa Bibliya kung paano ka makakatiyak na pupunta ka sa langit kapag ikaw ay namatay?” Kung sinabi niyang “wala pa,” sabihin mo lamang, “Maaari bang ituro ko sa iyo?”  Karamihan sa mga tao ay masasabik na malaman kung paano sila makakatiyak na pumunta sa langit.  Kung sila ay interesado, maupo lamang kayo at maglaan ng oras na ibahagi ang nilalaman ng munting aklat na ito sa kanila. Habang buhay silang magpapasalamat!

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

1   2     3     4     5     6     7     8     9     10     11     12     13     14     15     16     17     18     19     20     21     22     23     24     25     26     27     28