The Gospel, Tagalog, p. 20
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 20
⇐ ⇒
KATIYAKAN
Kung inilagay mo ang iyong pananampalataya kay Kristo lamang, at kung ikaw ay mamatay ngayong gabi, nakatitiyak ka bang pupunta ka sa langit? Sinabi ni Hesus:
Katotohanang, katotohanang, sinasabi ko sa inyo, Siya na nakikinig ng aking salita, at nananampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may walang-hanggang buhay, at hindi makaararating sa kahatulan; kundi inilipat na mula sa kamatayan tungo sa buhay. Juan 5:24
Katotohanang, katotohanang, sinasabi ko sa inyo . . . Paano nakatitiyak si Hesus dito?
Siya na nakikinig ng Aking Salita . . . Narinig mo ba ang mga salita
ni Kristo sa mga pahina ng aklat na ito?
At nananampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin . . . Naniniwala ka bang ipinadala ng Diyos si Hesus upang mamatay sa iyong lugar?
Ay may walang-hanggang buhay . . . Sinasabi ba dito na matatanggap mo ito sa mga darating na oras o natanggap mo na agad ito?
At hindi makaararating sa kahatulan . . . Sinasabi ba ng Bibliya na “maaaring hindi” o “hindi?”
Kundi inilipat na mula sa kamatayan tungo sa buhay. Sa anong sandali nakalipat ang isang tao mula sa kamatayan tungo sa buhay?
Ayon sa bersikulong ito, paano ka nakatitiyak na ikaw ay totoong naligtas?
❏ Maaari kang makatiyak na ikaw ay totoong naligtas kung ang iyong buhay ay nagsimulang magbago, nakikita na ang Diyos ay tunay na nasa iyong buhay.
❏ Maaari kang makatiyak na ikaw ay totoong naligtas kung ikaw ay nagtataglay ng bunga ng mabuting gawa.
❏ Maaari kang makatiyak na ikaw ay totoong naligtas kung maraming taon mula ngayon ay nananatili kang lumalakad kay Kristo.
❏ Maaari kang makatiyak na ikaw ay totoong naligtas kung narinig mo ang ebanghelyo at pinaniwalaan mo ito.
(Basahin din 1 Juan 5:10-13.)
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28