The Gospel, Tagalog, p. 15
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 15
⇐ ⇒
BIYAYA: ITO AY KAILANGAN NA WALANG BAYAD
Kapag ang tao ay nagsikap na magkaroon ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang sariling mga gawa, hindi na niya tinatanggap ang bigay ng Diyos na buhay na walang hanggan bilang walang bayad na regalo, samakatuwid ay, sa pamamagitan ng “Biyaya.”
Nguni’t kung ito ay maging sa mga gawa, kung gayon ito ay hindi na sa biyaya. Mga Taga-Roma 11:6b
Subalit sa pamamagitan lamang ng Kanyang “biyaya” na ang Diyos ay magliligtas sa atin!
Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman. Mga Taga-Efeso 2:8-9
Samakatuwid, itinuturo ng Kasulatan na binabawi ng Diyos ang inaalok na buhay na walang hanggan sa sinumang nagnanais na makuha ito sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, sa gayon ay minamaliit nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagnanais na gawin Siyang may utang sa makasalanang tao.
Kung kayo ay pinapaging-matuwid ng kautusan, kayo ay napahiwalay na kay Kristo. Nahulog na kayo mula sa biyaya. Mga Taga-Galacia 5:4
Samakatuwid, ang tangkain na magkaroon ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng mga gawa ng mga batas ay pagtanggi sa tanging paraan na inaalok ng Diyos na buhay na walang hanggan, samakatuwid ay, sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. At kapag tinanggihan ng tao ang biyayang inaalok ng Diyos na buhay na walang hanggan, ay kusa niyang pinipili na harapin ang walang hanggang kaparusahan!
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28