The Gospel, Tagalog, p. 14
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 14
⇐ ⇒
BIYAYA: WALANG BAYAD NA REGALO
Ang ibig sabihin ng salitang “biyaya” ay isang bagay na ibinibigay ng libre…walang bayad o pananagutan. Halimbawa, kung ang matalik mong kaibigan ay binibigyan ka ng regalo at nais mong bayaran ito sa kanya, masasabi mo pa rin ba itong regalo? Siyempre hindi. Ito ay nagiging kanyang utang sa iyo sa sandaling tanggapin niya ang pera mo! Ang iyong kaibigan, ay maaaring mainsulto, bawiin ang regalo at sabihin na: “Hindi ko ibinibigay sa iyo ang regalong ito dahil kailangan kong gawin ito. Ito ay regalo. Tinatanggap mo ba ang aking regalo o hindi?”
ANG REGALO: SA ORAS NA MAGBIGAY KA NG ISANG BAGAY NA KAPALIT NITO, HINDI NA ITO MAITUTURING NA REGALO. ITO AY NAGIGING UTANG!
Ngayon sa kaniya na gumagawa ang gantimpalang ay hindi itinuturing na sa biyaya, kundi sa utang. Mga Taga-Roma 4:4
Kung ibabalik isasauli mo lang ang pera mo sa bulsa mo at iaabot ang iyong walang lamang kamay at duon lang niya muling ibibigay at igagawad ang regalo sa iyo.
Katulad din nito ang katotohan ng pagbibigay ng Diyos ng buhay na walang hanggan. Ang mga tao ay nagnanais na bilhin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagsunod sa Sampung Utos, mamuhay ng maayos, magsimba, o iba pang relihiyosong gawain. Pero hindi gagawin ng Diyos na magkautang Siya sa kaninuman! Wala Siyang “utang” na buhay na walang hanggan sa kaninuman. Ibibigay lamang Niya ito bilang regalo!
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28